Lupang Hinirang, Para Lalong Mas Makahulugan Ang Pambansang Awit para sa mga Kababaihan

Ang “Lupang Hinirang” at ang ating watawat, mga simbolo na ating kalayaan dapat buong buhay nating pinapahalagahan.

Screenshot 2017-06-05 12.23.45.png

Ang Philippine Commission on Women, gumawa ng sariling bersyon ng Pambansang Awit, para turuan ang mga kababaihan ang tamang pagkanta ng awiting ito.

Ang “Lupang Hinirang” ang ating pambansang awit.

Mahalaga ang pagkakaroon ng national anthem para sa isang bansang malaya, katulad ng Pilipinas

Simbolo ito ng pagbubuwis ng buhay at hirap na dinanas ng ating mga bayani para makamit ang ating kalayaan.

Simbolo rin ng pagiging Pilipino.

Pero dismayado ang National Historical Commission of the Philippines, maraming kabataan daw ang hindi kabisado ang “Lupang Hinirang.”

“Mayroong na punda kami na teacher, merong ding estudyante, pero kagipitan na nakakalimutan nila, kaya kailangan natin talaga ang puspusan pagpapaliwanag,” sinabi ni Teddy Atienza, Head of the Heraldry Section of NHCP.